2 Samuel 7:27 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat ikaw, O PANGINOON ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel ang gumawa ng ganitong pahayag sa iyong lingkod, na sinasabi, 'Ipagtatayo kita ng isang bahay"; kaya't ang iyong lingkod ay nagkaroon ng tapang na manalangin ng ganito sa iyo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Panginoong Makapangyarihan, Dios ng Israel, malakas po ang loob ko na manalangin sa inyo nang ganito dahil ipinahayag nʼyo sa akin na inyong lingkod, na patuloy na manggagaling sa aking angkan ang magiging hari ng Israel.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kayat nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Yahweh, Makapangyarihang Diyos ng Israel, nagkaroon ako ng lakas ng loob na manalangin ng ganito sapagkat kayo na rin ang nagsabi sa inyong lingkod na paghahariin ninyo sa Israel ang aking angkan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Yahweh, Makapangyarihang Diyos ng Israel, nagkaroon ako ng lakas ng loob na manalangin ng ganito sapagkat kayo na rin ang nagsabi sa inyong lingkod na paghahariin ninyo sa Israel ang aking angkan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Yahweh, Makapangyarihang Diyos ng Israel, nagkaroon ako ng lakas ng loob na manalangin ng ganito sapagkat kayo na rin ang nagsabi sa inyong lingkod na paghahariin ninyo sa Israel ang aking angkan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo.