Acts 1:23 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanilang iminungkahi ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na tinatawag ding Justo, at si Matias.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya dalawang lalaki ang kanilang pinagpilian: si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas (o Justus).
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't pumili sila ng dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't pumili sila ng dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't iminungkahi nila ang dalawang lalaki, si Matias at si Jose na tinatawag na Barsabas, na kilala rin sa pangalang Justo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.