Acts 12:20 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Noon ay galit na galit si Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Kaya't sila'y nagkaisang pumaroon sa kanya, at nang mahikayat na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinakiusap ang pagkakasundo, sapagkat ang lupain nila'y umaasa sa lupain ng hari para sa pagkain.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Galit na galit si Haring Herodes sa mga taga-Tyre at taga-Sidon. Kaya nagkaisa ang mga tao na makipag-ayos sa hari dahil sa bayan nito nanggagaling ang kanilang pagkain. Bago sila pumunta sa hari, kinaibigan muna nila si Blastus para tulungan sila, dahil siya ang katiwala ng hari sa palasyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at silay nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagkat ang lupain nilay pinakakain ng lupain ng hari.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't napagkasunduan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon na lumapit sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang mayordomo ng hari, upang sila'y samahan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't napagkasunduan ng mga taga-Tiro at taga-Sidon na lumapit sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang mayordomo ng hari, upang sila'y samahan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Matagal nang galit si Herodes sa mga taga-Tiro at mga taga-Sidon. Kaya't sama-samang lumapit sa kanya ang mga taga-Tiro at taga-Sidon upang makipagkasundo, sapagkat sa lupain ng hari nanggagaling ang ikinabubuhay ng kanilang bayan. Nakiusap sila kay Blasto, ang tagapamahala sa palasyo, upang sila'y samahan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At galit na galit nga si Herodes sa mga taga Tiro at taga Sidon: at sila'y nangagkaisang pumaroon sa kaniya, at, nang makaibigan na nila si Blasto na katiwala ng hari, ay kanilang ipinamanhik ang pagkakasundo, sapagka't ang lupain nila'y pinakakain ng lupain ng hari.