Acts 14:18 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Maging sa pamamagitan ng mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang mga tao sa paghahandog sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pero kahit ganito ang sinasabi ng mga apostol, nahirapan pa rin silang pigilan ang mga tao na maghandog sa kanila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin si Bernabe at si Pablo na pigilin ang mga tao na sila'y alayan ng mga handog.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin si Bernabe at si Pablo na pigilin ang mga tao na sila'y alayan ng mga handog.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sa kabila ng mga pananalitang ito, nahirapan pa rin sina Bernabe at Pablo na pigilan ang mga tao na sila'y alayan ng mga handog.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sa mga pananalitang ito ay bahagya na nilang napigil ang karamihan sa paghahain sa kanila.