Acts 14:27 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang sila'y dumating, tinipon nila ang iglesya at iniulat ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong binuksan niya para sa mga Hentil ang pinto ng pananampalataya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang dumating sina Pablo at Bernabe sa Antioc, tinipon nila ang mga mananampalataya at ikinuwento sa kanila ang lahat ng ginawa ng Dios sa pamamagitan nila, at kung paanong binigyan ng Dios ang mga hindi Judio ng pagkakataong sumampalataya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang silay magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagdating sa Antioquia tinipon nila ang mga kaanib sa iglesya at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa kanila, at kung paanong binuksan niya ang pintuan sa mga Hentil upang ang mga ito'y sumampalataya rin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagdating sa Antioquia tinipon nila ang mga kaanib sa iglesya at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa kanila, at kung paanong binuksan niya ang pintuan sa mga Hentil upang ang mga ito'y sumampalataya rin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagdating sa Antioquia tinipon nila ang mga kaanib sa iglesya at isinalaysay ang lahat ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila, at kung paanong nagbukas siya ng pagkakataon sa mga Hentil upang ang mga ito'y sumampalataya rin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang sila'y magsidating, at matipon na ang iglesia, ay isinaysay nila ang lahat ng mga bagay na ginawa ng Dios sa kanila, at kung paanong binuksan niya sa mga Gentil ang pintuan ng pananampalataya.