Acts 15:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't ang hatol ko ay huwag nating gambalain ang mga Hentil na nagbabalik-loob sa Diyos.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinabi pa ni Santiago, “Kaya kung sa akin lang, huwag na nating pahirapan ang mga hindi Judio na lumalapit sa Dios.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Dahil ditoy ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Kaya't ang pasya ko'y huwag nating gawing mahirap para sa mga Hentil ang paglapit sa Diyos.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Kaya't ang pasya ko'y huwag nating gawing mahirap para sa mga Hentil ang paglapit sa Diyos.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nagpatuloy si Santiago, “Kaya't ang pasya ko'y huwag nating pahirapan ang mga Hentil na lumalapit sa Diyos.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios;