Acts 17:24 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya na Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumitira sa mga templong ginawa ng tao;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Siya ang lumikha ng mundo at ng lahat ng narito. Siya ang Panginoong nagmamay-ari ng langit at lupa, kaya hindi siya nakatira sa mga templo na ginawa ng mga tao.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasay Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Siya ang gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto, siya ang Panginoon ng langit at ng lupa. Hindi siya nananahan sa mga templong ginawa ng tao.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Siya ang gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto, siya ang Panginoon ng langit at ng lupa. Hindi siya nananahan sa mga templong ginawa ng tao.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at lahat ng naririto ay ang Panginoon ng langit at ng lupa, at hindi naninirahan sa mga templong ginawa ng tao.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang Dios na gumawa ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay;