Acts 17:25 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
ni hindi rin naman siya pinaglilingkuran ng mga kamay ng tao, na para bang mayroon siyang kailangan, yamang siya ang nagbibigay sa lahat ng tao ng buhay at ng hininga, at ng lahat ng bagay na ito.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Hindi siya nangangailangan ng tulong mula sa tao dahil siya mismo ang nagbibigay ng buhay sa atin, maging ng lahat ng pangangailangan natin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siyay nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao; sa halip, siya ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao; sa halip, siya ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi rin siya nangangailangan ng anumang tulong o paglilingkod ng tao, sapagkat siya mismo ang nagbibigay ng buhay, hininga at lahat ng bagay sa sangkatauhan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ni hindi rin naman pinaglilingkuran siya ng mga kamay ng mga tao, na para bagang siya'y nangangailangan ng anomang bagay, yamang siya rin ang nagbibigay sa lahat ng buhay, at ng hininga, at ng lahat ng mga bagay;