Acts 19:38 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kaya't kung si Demetrio at ang mga panday na kasama niya ay mayroong reklamo laban sa kanino man, bukas ang mga hukuman, at may mga proconsul; hayaan ninyong doon magharap ng reklamo ang isa't isa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung si Demetrius at ang kanyang mga kasamang platero ay may reklamo laban kaninuman, may mga korte at mga hukom tayo. Dapat doon nila dalhin ang kanilang mga reklamo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kung si Demetrio nga, at ang mga panday na kasama niya, ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man, ay bukas ang mga hukuman, at may mga proconsul: bayaan ninyong mangagsakdal ang isat isa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung si Demetrio at ang mga platerong kasama niya ay may reklamo laban sa kaninuman, bukás ang mga hukuman, at may mga hukom tayo. Doon sila magsakdal.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung si Demetrio at ang mga platerong kasama niya ay may reklamo laban sa kaninuman, bukás ang mga hukuman, at may mga hukom tayo. Doon sila magsakdal.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung si Demetrio at ang mga manggagawang kasama niya ay may reklamo laban sa kaninuman, bukás ang mga hukuman, at may mga pinuno tayo. Doon sila magsakdal.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kung si Demetrio nga, at ang mga panday na kasama niya, ay mayroong anomang sakdal laban sa kanino man, ay bukas ang mga hukuman, at may mga proconsul: bayaan ninyong mangagsakdal ang isa't isa.