Acts 21:27 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang halos matapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga-Asia, nang makita siya sa templo, ay inudyukan ang maraming tao at siya'y kanilang dinakip,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang matatapos na ang ikapitong araw ng kanilang paglilinis, may mga Judiong mula sa lalawigan ng Asia na nakakita kay Pablo sa templo. Sinulsulan nila ang lahat ng tao roon sa templo na hulihin si Pablo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang halos tapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga Asia, nang siyay makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siyay kanilang dinakip,
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang matatapos na ang takdang pitong araw, si Pablo'y nakita sa Templo ng ilang Judiong taga-Asia. Sinunggaban nila si Pablo at sumigaw.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang matatapos na ang takdang pitong araw, si Pablo'y nakita sa Templo ng ilang Judiong taga-Asia. Sinunggaban nila si Pablo at sumigaw.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang matatapos na ang takdang pitong araw, si Pablo'y nakita sa Templo ng ilang Judiong taga-Asia. Sinunggaban nila si Pablo at inudyukan ang mga tao.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang halos tapos na ang pitong araw, ang mga Judiong taga Asia, nang siya'y makita nila sa templo, ay kanilang ginulo ang buong karamihan at siya'y kanilang dinakip,