Acts 21:28 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
na isinisigaw, "Mga lalaking taga-Israel, tumulong kayo! Ito ang taong nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa sambayanan, sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa rito'y nagdala rin siya ng mga Griyego sa templo, at dinungisan ang banal na lugar na ito."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumigaw sila, “ Mga kababayan kong mga Israelita, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ang nagtuturo laban sa Kautusan at sa templong ito kahit saan siya pumunta. Hindi lang iyan, dinala pa niya rito sa templo ang mga hindi Judio, kaya dinudungisan niya ang sagradong lugar na ito!”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa ritoy nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at dinungisan itong dakong banal.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Mga kababayan, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ang nagtuturo sa lahat ng tao saan man siya makarating ng mga bagay laban sa bansang Israel, laban sa Kautusan ni Moises, at laban sa Templo. Gayundin naman, nagsama pa siya ng mga Griego sa loob ng Templo; nilapastangan niya ang banal na lugar na ito!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Mga kababayan, tulungan ninyo kami! Ang taong ito ang nagtuturo sa lahat ng tao saan man siya makarating ng mga bagay laban sa bansang Israel, laban sa Kautusan ni Moises, at laban sa Templo. Gayundin naman, nagsama pa siya ng mga Griego sa loob ng Templo; nilapastangan niya ang banal na lugar na ito!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Mga kababayan, tulungan ninyo kami!” sigaw nila. “Ang taong ito ang nagtuturo sa lahat saan man siya makarating ng mga bagay laban sa bansang Israel, laban sa Kautusan ni Moises, at laban sa Templong ito. Bukod pa diyan, nagsama pa siya ng mga Hentil sa loob ng Templo, at nilapastangan niya ang banal na lugar na ito!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Na nangagsisigawan, Mga lalaking taga Israel, magsitulong kayo: Ito ang tao na nagtuturo sa mga tao sa lahat ng dako laban sa bayan, at sa kautusan, at sa dakong ito; at bukod pa sa rito'y nagdala rin siya ng mga Griego sa templo, at dinungisan itong dakong banal.