Acts 22:30 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang sumunod na araw, dahil sa pagnanais na malaman ang tunay na dahilan kung bakit siya'y isinakdal ng mga Judio ay kanyang pinawalan siya at iniutos sa mga punong pari at sa buong Sanhedrin na magpulong. Pinababa niya si Pablo at iniharap sa kanila.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Gusto talagang malaman ng kumander kung bakit inaakusahan ng mga Judio si Pablo. Kaya kinabukasan, ipinatawag niya ang mga namamahalang pari at ang lahat ng miyembro ng Korte ng mga Judio. Pagkatapos, ipinatanggal niya ang kadena ni Pablo at iniharap siya sa kanila.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat nang kinabukasan, sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siyay isinakdal ng mga Judio, ay kaniyang pinawalan siya, at pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin, at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nais matiyak ng pinuno kung ano nga ang paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya't kinabukasan, ipinatawag niya sa isang pulong ang mga punong pari at ang buong Sanedrin. Pinakalagan naman niya si Pablo at iniharap sa kanila.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nais matiyak ng pinuno kung ano nga ang paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya't kinabukasan, ipinatawag niya sa isang pulong ang mga punong pari at ang buong Sanedrin. Pinakalagan naman niya si Pablo at iniharap sa kanila.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nais matiyak ng pinuno kung ano nga ang paratang ng mga Judio laban kay Pablo. Kaya't kinabukasan, pinakalagan niya si Pablo, ipinatawag sa isang pulong ang mga punong pari at ang buong Kataas-taasang Kapulungan ng mga Judio, at iniharap si Pablo sa kanila.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't nang kinabukasan, sa pagkaibig na matanto ang katunayan kung bakit siya'y isinakdal ng mga Judio, ay kaniyang pinawalan siya, at pinapagpulong ang mga pangulong saserdote at ang buong Sanedrin, at ipinapanaog si Pablo at iniharap sa kanila.