Acts 23:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang lumalaki ang kaguluhan, sa takot ng pinunong kapitan na baka lurayin nila si Pablo, ay pinababa ang mga kawal, sapilitang ipinakuha siya at siya'y ipinasok sa himpilan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Lalong uminit ang kanilang pagtatalo, hanggang sa natakot ang kumander na baka pagtulung-tulungan ng mga tao si Pablo. Kaya nag-utos siya sa kanyang mga sundalo na bumaba at kunin si Pablo sa mga tao at dalhin sa kampo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nang magkaroon ng malaking pagtatalo, sa takot ng pangulong kapitan na baka pagwaraywarayin nila si Pablo, ay pinapanaog ang mga kawal at ipinaagaw siya sa gitna nila, at siyay ipinasok sa kuta.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Naging mainitan na ang kanilang pagtatalo, at natakot ang pinuno ng mga sundalo na baka bugbugin nila si Pablo. Pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok muli sa himpilan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Naging mainitan na ang kanilang pagtatalo, at natakot ang pinuno ng mga sundalo na baka bugbugin nila si Pablo. Pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok muli sa himpilan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Naging mainitan ang kanilang pagtatalo, at natakot ang pinuno ng mga sundalo na baka magkaluray-luray si Pablo. Pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok muli sa himpilan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nang magkaroon ng malaking pagtatalo, sa takot ng pangulong kapitan na baka pagwaraywarayin nila si Pablo, ay pinapanaog ang mga kawal at ipinaagaw siya sa gitna nila, at siya'y ipinasok sa kuta.