Acts 25:11 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kung ako ay isang salarin, at nakagawa ng anumang bagay na karapat-dapat sa kamatayan, hindi ako tatakas sa kamatayan. Ngunit kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal nila laban sa akin, walang sinumang makapagbibigay sa akin sa kanila. Dudulog ako kay Cesar."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kung totoong lumabag ako sa kautusan at dapat akong parusahan ng kamatayan, tatanggapin ko ang hatol sa akin. Pero kung walang katotohanan ang kanilang akusasyon sa akin, hindi ako dapat ipagkatiwala sa kanila. Kaya aapela na lang ako sa Emperador ng Roma!”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Kung ako ngay isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwat kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kung ako ay lumabag sa batas o nakagawa ng anumang bagay na dapat parusahan ng kamatayan, wala akong tutol mamatay. Ngunit kung walang katotohanan ang mga paratang nila sa akin, hindi ako dapat ibigay sa kanila. Dudulog ako sa Emperador.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kung ako ay lumabag sa batas o nakagawa ng anumang bagay na dapat parusahan ng kamatayan, wala akong tutol mamatay. Ngunit kung walang katotohanan ang mga paratang nila sa akin, hindi ako dapat ibigay sa kanila. Dudulog ako sa Emperador.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kung ako ay lumabag sa batas o nakagawa ng anumang bagay na dahil dito'y dapat akong parusahan ng kamatayan, hindi ako tututol. Ngunit kung walang katotohanan ang mga paratang nila sa akin, hindi ako dapat ibigay sa kanila. Sa Emperador ako dudulog.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Kung ako nga'y isang makasalanan, at nakagawa ng anomang bagay na marapat sa kamatayan, ay hindi ako tumatangging mamatay; datapuwa't kung walang katotohanan ang mga bagay na ipinagsasakdal ng mga ito laban sa akin, ay hindi ako maibibigay ninoman sa kanila. Maghahabol ako kay Cesar.