Acts 26:25 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit sinabi ni Pablo, "Hindi ako baliw, kagalang-galang na Festo; kundi mga salita ng katotohanan at katuwiran ang sinasabi ko.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sumagot si Pablo, “Kagalang-galang na Festus, hindi po ako naloloko. Totoo ang mga sinasabi ko at matino ang pag-iisip ko.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit sumagot si Pablo, “Hindi ako nababaliw, Kagalang-galang na Festo! Malinaw ang isip ko at ang sinasabi ko'y pawang katotohanan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit sumagot si Pablo, “Hindi ako nababaliw, Kagalang-galang na Festo! Malinaw ang isip ko at ang sinasabi ko'y pawang katotohanan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit sumagot si Pablo, “Hindi ako nababaliw, Kagalang-galang na Festo! Ang sinasabi ko'y mga salita ng katinuan at pawang katotohanan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't sinabi ni Pablo, Hindi ako ulol, kagalanggalang na Festo; kundi nagsasalita ako ng mga salitang katotohanan at kahinahunan.