Acts 28:27 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat pumurol na ang puso ng bayang ito, at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga, at pumikit na ang kanilang mga mata; baka sila'y makakita sa kanilang mga mata, at makarinig sa kanilang mga tainga, at makaunawa sa kanilang puso, at magbalik-loob, at sila'y aking pagalingin.'
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
dahil matigas ang puso ng mga taong ito. Tinakpan nila ang kanilang mga tainga at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Dahil baka makakita sila at makarinig, at maunawaan nila kung ano ang tama, at magbalik-loob sila sa akin, at pagalingin ko sila.’ ”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka silay mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik-loob, At silay aking pagalingin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sapagkat napakatigas ng mga puso ng taong ito, mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Sapagkat ayaw nilang makakita ang kanilang mga mata, makarinig ang kanilang mga tainga, at makaunawa ang kanilang mga pag-iisip. Kung ganoon sana'y nagbalik-loob kayo sa akin, at kayo naman ay aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sapagkat napakatigas ng mga puso ng taong ito, mahirap makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Sapagkat ayaw nilang makakita ang kanilang mga mata, makarinig ang kanilang mga tainga, at makaunawa ang kanilang mga pag-iisip. Kung ganoon sana'y nagbalik-loob kayo sa akin, at kayo naman ay aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sapagkat naging mapurol ang isip ng mga taong ito, tinakpan ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata. Kung hindi, makakakita sana ang kanilang mga mata, makakarinig ang kanilang mga tainga, at makakaunawa ang kanilang mga pag-iisip. at magbabalik-loob sila sa akin, at sila'y aking pagagalingin, sabi ng Panginoon.’”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na makarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik-loob, At sila'y aking pagalingin.