Acts 3:26 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang piliin ng Diyos ang kanyang lingkod siya ay kanyang unang isinugo sa inyo, upang kayo'y pagpalain sa pamamagitan ng pagtalikod ng bawat isa sa inyo sa inyong mga kasamaan."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya sinugo ng Dios ang kanyang piniling Lingkod, una sa atin na mga Judio, para tulungan niya tayong talikuran ang kasamaan.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya upang kayoy pagpalain, sa pagtalikod ng bawat isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kaya't matapos buhayin ng Diyos ang kanyang Lingkod, sa inyo siya unang isinugo upang pagpalain at tulungan kayong tumalikod sa inyong masasamang pamumuhay.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kaya't matapos buhayin ng Diyos ang kanyang Lingkod, sa inyo siya unang isinugo upang pagpalain at tulungan kayong tumalikod sa inyong masasamang pamumuhay.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Kaya't matapos buhayin ng Diyos ang kanyang Lingkod, sa inyo siya unang isinugo upang pagpalain kayo at tulungang tumalikod sa inyong masamang pamumuhay.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa inyo una-una, nang maitindig na ng Dios ang kaniyang Lingkod, ay sinugo niya upang kayo'y pagpalain, sa pagtalikod ng bawa't isa sa inyo sa inyong mga katampalasanan.