Acts 5:36 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat bago pa ang mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sumama sa kanya ang may apatnaraang tao ang bilang, ngunit siya'y pinatay at ang lahat ng sumunod sa kanya ay nagkawatak-watak at nawalan ng kabuluhan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sapagkat noong araw ay may taong ang pangalan ay Teudas na nagmalaki na parang kung sino, at may mga 400 siyang tagasunod. Pero nang bandang huli, pinatay siya at ang kanyang mga tagasunod ay nagkawatak-watak, at naglaho na lang ang grupong iyon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siyay dakila; at sa kaniyay nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siyay pinatay; at ang lahat ng sa kaniyay nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi pa nagtatagal mula nang lumitaw si Teudas na nagpanggap na isang dakilang pinuno, at nakaakit ng may apatnaraang tagasunod. Ngunit nang mapatay siya, nagkahiwa-hiwalay ang kanyang mga tauhan at nauwi sa wala ang kanilang kilusan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't bago pa ng mga araw na ito ay lumitaw na si Teudas, na nagsabing siya'y dakila; at sa kaniya'y nakisama ang may apat na raang tao ang bilang: na siya'y pinatay; at ang lahat ng sa kaniya'y nagsisunod, ay pawang nagsipangalat at nangawalang kabuluhan.