Acts 7:29 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang marinig niya ito, tumakas si Moises at naging dayuhan sa lupain ng Midian, kung saan siya'y naging ama ng dalawang lalaki.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nang marinig ito ni Moises, tumakas siya at pumunta sa Midian. Doon siya nanirahan at nag-asawa, at doon din isinilang ang dalawa niyang anak na lalaki.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa salitang itoy tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na dooy nagkaanak siya ng dalawang lalake.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nang marinig ito ni Moises, siya'y tumakas at nanirahan sa lupain ng Midian. Nag-asawa siya roon at nagkaanak ng dalawang lalaki.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nang marinig ito ni Moises, siya'y tumakas at nanirahan sa lupain ng Midian. Nag-asawa siya roon at nagkaanak ng dalawang lalaki.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nang marinig ito ni Moises, siya'y tumakas at nanirahan sa lupain ng Midian. Doon ay nagkaroon siya ng dalawang anak na lalaki.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sa salitang ito'y tumakas si Moises, at nakipamayan sa lupain ng Midian, na doo'y nagkaanak siya ng dalawang lalake.