Acts 7:42 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit iniwan sila ng Diyos; at sila'y pinabayaang sumamba sa hukbo ng langit, gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta: 'Inalayan ba ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga handog, na apatnapung taon sa ilang, O angkan ni Israel?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa ginawa nilang iyon, tinalikuran sila ng Dios at hinayaan na lang na sumamba sa mga bituin sa langit. Ganito ang isinulat ng mga propeta: ‘Kayong mga Israelita, naghandog kayo ng ibaʼt ibang uri ng handog sa loob ng 40 taon doon sa disyerto. Ngunit hindi ako ang inyong pinaghandugan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat tumalikod ang Dios, at silay pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Bayang Israel, hindi naman talaga ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinatay sa loob ng apatnapung taóng kayo'y nasa ilang.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Bayang Israel, hindi naman talaga ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinatay sa loob ng apatnapung taóng kayo'y nasa ilang.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil diyan, itinakwil sila ng Diyos at hinayaang sumamba sa mga bituin sa langit, ayon sa nakasulat sa aklat ng mga propeta: ‘Bayang Israel, hindi naman talaga ako ang tunay na hinandugan ninyo ng mga alay at mga hayop na pinatay sa loob ng apatnapung taong kayo'y nasa ilang.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't tumalikod ang Dios, at sila'y pinabayaang magsisamba sa hukbo ng langit; gaya ng nasusulat sa aklat ng mga propeta, Hinandugan baga ninyo ako ng mga hayop na pinatay at mga hain Na apat na pung taon sa ilang, Oh angkan ni Israel?