Acts 8:1 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Si Saulo ay sumang-ayon sa pagpatay sa kanya. Nang araw na iyon, nagkaroon ng malawakang pag-uusig laban sa iglesya na nasa Jerusalem; at lahat ay nagkahiwa-hiwalay sa buong lupain ng Judea at Samaria, maliban sa mga apostol.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Inilibing si Esteban ng mga taong may takot sa Dios, at labis nila siyang iniyakan. Mula noon, nagsimula na ang matinding pag-uusig sa mga mananampalataya sa Jerusalem. Kaya nagkawatak-watak ang mga mananampalataya sa buong lalawigan ng Judea at Samaria. Ang mga apostol lang ang hindi umalis sa Jerusalem. Si Saulo na sumang-ayon sa pagpatay kay Esteban
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yaoy nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kasang-ayon si Saulo sa pagkapatay kay Esteban. Nang araw na iyon, nagsimula ang mahigpit na pag-uusig laban sa iglesya sa Jerusalem; at maliban sa mga apostol, ang lahat ng sumasampalataya ay napunta sa iba't ibang lugar sa lupain ng Judea at Samaria.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Kasang-ayon si Saulo sa pagkapatay kay Esteban. Nang araw na iyon, nagsimula ang mahigpit na pag-uusig laban sa iglesya sa Jerusalem; at maliban sa mga apostol, ang lahat ng sumasampalataya ay napunta sa iba't ibang lugar sa lupain ng Judea at Samaria.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sinang-ayunan ni Saulo ang pagpatay kay Esteban. Nang araw na iyon, nagsimula ang matinding pag-uusig laban sa iglesya sa Jerusalem; at maliban sa mga apostol, ang lahat ng sumasampalataya ay nagkawatak-watak at napunta sa iba't ibang lugar sa lupain ng Judea at Samaria.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.