Acts 9:22 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ngunit lalo pang naging makapangyarihan sa pangangaral si Saulo, at kanyang nilito ang mga Judio na naninirahan sa Damasco sa pagpapatunay na si Jesus ang Cristo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Lalong humusay ang kakayahan ni Saulo sa pangangaral. At hindi makasagot sa kanya ang mga Judio sa Damascus nang patunayan niyang si Jesus ang Cristo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Datapuwat lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ang siyang Cristo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ngunit lalong naging mahusay si Saulo sa kanyang pangangaral at nalito ang mga Judiong naninirahan sa Damasco dahil sa kanyang matibay na pagpapatunay na si Jesus ang siyang Cristo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ngunit lalong naging makapangyarihan ang pangangaral ni Saulo at walang maisagot ang mga Judiong naninirahan sa Damasco sa kanyang pagpapatunay na si Jesus ang Cristo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Datapuwa't lalo nang lumakas ang loob ni Saulo, at nilito ang mga Judio na nangananahan sa Damasco, na pinatutunayan na ito ang Cristo.