Amos 1:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ganito ang sabi ng PANGINOON: "Dahil sa tatlong pagsuway ng Edom, at dahil sa apat, hindi ko pawawalang-bisa ang parusa, sapagkat hinabol niya ng tabak ang kanyang kapatid, at ipinagkait ang lahat ng habag, at ang kanyang galit ay laging nangwawasak, at taglay niya ang kanyang poot magpakailanman.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ito ang sinasabi ng Panginoon tungkol sa Edom: “Dahil sa patuloy na pagkakasala ng mga taga-Edom, parurusahan ko sila. Sapagkat tinugis nila ang kanilang mga kaanak na mga Israelita at walang awang pinatay. Hinding-hindi mawawala ang kanilang galit sa mga Israelita.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagkat hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom, kaya sila'y paparusahan ko. Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita at hindi sila naawa kahit bahagya. Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom, kaya sila'y paparusahan ko. Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita at hindi sila naawa kahit bahagya. Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Edom, kaya sila'y paparusahan ko. Hinabol nila ng tagâ ang mga kapatid nilang Israelita at hindi sila naawa kahit bahagya. Hindi naglubag ang kanilang poot kailanman.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.