Amos 5:22 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Bagaman inyong inihahandog sa akin ang inyong mga handog na sinusunog at mga handog na butil, hindi ko iyon tatanggapin; ni akin mang pagmamasdan ang mga handog pangkapayapaan ng inyong mga pinatabang hayop.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Kaya kahit dalhan pa ninyo ako ng sari-saring handog, kahit pa ang pinakamabuting handog ay hindi ko tatanggapin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Oo, bagaman inyong ihandog sa akin ang inyong mga handog na susunugin at mga handog na harina, hindi ko tatanggapin; ni akin mang kalulugdan ang mga handog tungkol sa kapayapaan na inyong mga matabang hayop.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog, handog na mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba. Kahit na ang mga iyon ay handog pangkapayapaan, hindi ko pa rin papansinin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog, handog na mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba. Kahit na ang mga iyon ay handog pangkapayapaan, hindi ko pa rin papansinin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Hindi ko matatanggap ang inyong mga handog na sinusunog, handog na mga pagkaing butil at mga hayop na pinataba. Kahit na ang mga iyon ay handog pangkapayapaan, hindi ko pa rin papansinin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)