Amos 7:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At nangyari, nang kanilang matapos kainin ang damo ng lupain, aking sinabi, "O Panginoong DIYOS, isinasamo ko sa iyo, magpatawad ka! Paanong tatayo ang Jacob? Sapagkat siya'y maliit! Siya'y napakaliit!"
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
nakita kong kinain ng mga balang ang lahat ng tanim at walang natira. Kaya sinabi ko, “Panginoong Dios, nakikiusap po ako na patawarin nʼyo na ang mga lahi ni Jacob. Paano sila mabubuhay kung parurusahan nʼyo sila? Mahina po sila at walang kakayahan.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagkat siyay maliit.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakita kong sinimot ng mga balang ang lahat ng halaman sa lupain. At nasabi ko, “Panginoong Yahweh, patawarin mo po ang iyong bayan! Paano pa sila mabubuhay? Sila'y maliliit at mahihina!”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakita kong sinimot ng mga balang ang lahat ng halaman sa lupain. At nasabi ko, “Panginoong Yahweh, patawarin mo po ang iyong bayan! Paano pa sila mabubuhay? Sila'y maliliit at mahihina!”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakita kong sinimot ng mga balang ang lahat ng halaman sa lupain. At nasabi ko, “Panginoong Yahweh, patawarin mo po ang iyong bayan! Paano pa sila mabubuhay? Sila'y maliliit at mahihina!”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nangyari, na nang kanilang matapos makain ang pananim sa lupain, akin ngang sinabi, Oh Panginoong Dios, isinasamo ko sa iyo, na magpatawad ka: paanong tatayo ang Jacob? sapagka't siya'y maliit.