Amos 8:10 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At aking papalitan ng panangis ang inyong mga kapistahan, at lahat ng inyong awit ay magiging panaghoy; at ako'y maglalagay ng damit-sako sa lahat ng balakang, at pagkakalbo sa bawat ulo; at gagawin ko iyon na gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyon ay gaya ng mapait na araw.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Gagawin kong iyakan ang kasayahan sa inyong pista, at ang inyong pag-aawitan ay magiging panaghoy. Pagdadamitin ko kayo ng sako at uutusang magpakalbo para ipakita ang inyong pagdadalamhati, katulad ng mga magulang na umiiyak sa pagkamatay ng kanilang kaisa-isang anak. Pero magiging mas masakit pa ang huling parusa.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at akoy maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at kakalbuhan sa bawat ulo; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian; at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy. Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa, at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo. Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian; at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy. Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa, at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo. Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang iyong kapistahan ay gagawin kong araw ng kapighatian; at ang masasayang awitin ninyo'y magiging panaghoy. Pipilitin ko kayong magsuot ng panluksa, at mapipilitan kayong mag-ahit ng ulo. Matutulad kayo sa magulang na nagdadalamhati, dahil sa pagkamatay ng kaisa-isang anak. Ang araw na iyon ay magiging mapait hanggang sa wakas.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At aking papalitan ng panaghoy ang inyong mga kapistahan, at taghoy ang lahat ninyong awit; at ako'y maglalagay ng kayong magaspang sa lahat na balakang, at kakalbuhan sa bawa't ulo; at aking gagawing gaya ng pagtaghoy sa isang bugtong na anak, at ang wakas niyaon ay gaya ng mapanglaw na araw.