Daniel 1:20 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At sa bawat bagay tungkol sa karunungan at pang-unawa na inusisa ng hari sa kanila, kanyang natuklasan na sila'y sampung ulit na mas mahusay kaysa sa lahat ng salamangkero at mga engkantador na nasa kanyang buong kaharian.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sa lahat ng itinanong ng hari sa kanila, nakita niya na ang kanilang kaalaman ay sampung ulit na mas mahusay kaysa sa kaalaman ng mga salamangkero at engkantador sa buong kaharian niya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At sa bawat bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Nakita ng hari na sa lahat ng bagay na itanong sa kanila, sampung ulit na mas mahusay at magaling sila kaysa mga salamangkero at mga enkantador ng kaharian.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Nakita ng hari na sa lahat ng bagay na itanong sa kanila, sampung ulit na mas mahusay at magaling sila kaysa mga salamangkero at mga enkantador ng kaharian.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Nakita ng hari na sa lahat ng bagay na itanong sa kanila, sampung ulit na mas mahusay at magaling sila kaysa mga salamangkero at mga enkantador ng kaharian.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At sa bawa't bagay ng karunungan at unawa, na inusisa ng hari sa kanila, nasumpungan niya silang makasangpung mainam kay sa lahat ng mahiko at mga enkantador na nangasa kaniyang buong kaharian.