Daniel 11:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Ang hari ng timog ay magiging malakas, ngunit ang isa sa kanyang mga pinuno ay magiging higit na malakas kaysa kanya, at siya ay maghahari sa isang kahariang higit na makapangyarihan kaysa kanyang sariling kaharian.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Ang hari ng timog ay magiging makapangyarihan. Pero isa sa kanyang mga heneral ay magiging mas makapangyarihan kaysa sa kanya. At sa bandang huli, ang heneral na ito ay maghahari rin at magiging makapangyarihan ang kaharian niya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang hari sa timugan ay magiging malakas, at ang isa sa kaniyang mga prinsipe; at siyay magiging malakas kay sa kaniya, at magtataglay ng kapangyarihan; ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakilang kapangyarihan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Ang hari sa Egipto ay magiging makapangyarihan. Ngunit magiging mas makapangyarihan kaysa kanya ang isa niyang pinuno, at mas magiging malawak ang kaharian nito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Ang hari sa Egipto ay magiging makapangyarihan. Ngunit magiging mas makapangyarihan kaysa kanya ang isa niyang pinuno, at mas magiging malawak ang kaharian nito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Ang hari sa Egipto ay magiging makapangyarihan. Ngunit magiging mas makapangyarihan kaysa kanya ang isa niyang pinuno, at mas magiging malawak ang kaharian nito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang hari sa timugan ay magiging malakas, at ang isa sa kaniyang mga prinsipe; at siya'y magiging malakas kay sa kaniya, at magtataglay ng kapangyarihan; ang kaniyang kapangyarihan ay magiging dakilang kapangyarihan.