Daniel 2:46 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nang magkagayo'y nagpatirapa si Haring Nebukadnezar at nagbigay-galang kay Daniel, at nag-utos na sila'y maghandog ng alay at ng insenso sa kanya.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar upang parangalan si Daniel. Pagkatapos, nag-utos siyang maghandog at magsunog ng insenso kay Daniel.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Nang magkagayoy ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na silay maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha sa lupa at nagbigay galang kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito ng insenso at iba pang alay.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha sa lupa at nagbigay galang kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito ng insenso at iba pang alay.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha sa lupa at nagbigay galang kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito ng insenso at iba pang alay.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya.