Deuteronomy 12:12 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At kayo'y magagalak sa harapan ng PANGINOON ninyong Diyos, kayo at ang inyong mga anak na lalaki at babae, at ang inyong mga aliping lalaki at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga bayan, sapagkat siya'y walang bahagi ni pamana na kasama ninyo.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Doon kayo magsasaya sa presensya ng Panginoon na inyong Dios, pati ang inyong mga anak, mga alipin at ang mga Levita na naninirahan sa mga bayan ninyo na walang lupang mamanahin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kayoy magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae, at ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagkat siyay walang bahagi ni mana na kasama ninyo.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Magdiwang kayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang inyong mga anak at mga alipin. Isama rin ninyo ang mga Levita, sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Magdiwang kayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang inyong mga anak at mga alipin. Isama rin ninyo ang mga Levita, sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Magdiwang kayo sa harapan ni Yahweh, kasama ang inyong mga anak at mga alipin. Isama rin ninyo ang mga Levita, sapagkat hindi sila kasama sa paghahati ng lupain.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kayo'y magagalak sa harap ng Panginoon ninyong Dios, kayo at ang inyong mga anak na lalake at babae, at ang inyong mga aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng inyong mga pintuang-daan, sapagka't siya'y walang bahagi ni mana na kasama ninyo.