Deuteronomy 14:8 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At ang baboy, sapagkat may hati ang paa, ngunit hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo; ang laman nila'y huwag ninyong kakainin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Huwag din ninyong kakainin ang baboy, dahil kahit biyak ang kuko nito, hindi naman nginunguya ang kinakain nito. Huwag ninyong kakainin ang mga hayop na ito o hahawakan ang kanilang patay na katawan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ang baboy, sapagkat may hating paa, ngunit hindi ngumunguya, itoy marumi sa inyo: ang laman nilay huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang baboy ay dapat ding ituring na marumi sapagkat biyak man ang kuko, hindi naman ito ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Huwag ninyo itong kakainin ni hahawakan ang kanilang bangkay.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang baboy ay dapat ding ituring na marumi sapagkat biyak man ang kuko, hindi naman ito ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Huwag ninyo itong kakainin ni hahawakan ang kanilang bangkay.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang baboy ay dapat ding ituring na marumi sapagkat biyak man ang kuko, hindi naman ito ngumunguya ng pagkaing mula sa sikmura. Huwag ninyo itong kakainin ni hahawakan ang kanilang bangkay.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ang baboy, sapagka't may hating paa, nguni't hindi ngumunguya, ito'y marumi sa inyo: ang laman nila'y huwag ninyong kakanin, at ang kanilang bangkay ay huwag hihipuin.