Deuteronomy 15:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ito ang paraan ng pagpapatawad: bawat nagpapautang ay magpapatawad ng kanyang ipinautang sa kanyang kapwa; huwag niyang sisingilin iyon sa kanyang kapwa at sa kanyang kapatid, sapagkat ang pagpapatawad ng PANGINOON ay ipinahayag.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ito ang gawin ninyo: Hindi na dapat singilin ng nagpautang ang utang ng kapwa niya Israelita. Hindi na niya ito sisingilin dahil umabot na ang panahon na itinakda ng Panginoon na kanselahin ang mga utang.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ito ang paraan ng pagpapatawad: bawat may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang kapatid; sapagkat ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ganito ang inyong gagawin: huwag na ninyong sisingilin ang kababayan ninyong may utang sa inyo, sapagkat ito'y taon ng pagpapatawad na itinakda ni Yahweh.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ganito ang inyong gagawin: huwag na ninyong sisingilin ang kababayan ninyong may utang sa inyo, sapagkat ito'y taon ng pagpapatawad na itinakda ni Yahweh.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ganito ang inyong gagawin: huwag na ninyong sisingilin ang kababayan ninyong may utang sa inyo, sapagkat ito'y taon ng pagpapatawad na itinakda ni Yahweh.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ito ang paraan ng pagpapatawad: bawa't may pautang ay magpapatawad ng kaniyang ipinautang sa kaniyang kapuwa; huwag niyang sisingilin sa kaniyang kapuwa, at sa kaniyang kapatid; sapagka't ang pagpapatawad ng Panginoon ay ipinahayag.