Deuteronomy 16:2 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
At iyong iaalay ang paskuwa sa PANGINOON mong Diyos, mula sa kawan at sa bakahan, sa lugar na pipiliin ng PANGINOON na titirahan ng kanyang pangalan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Maghandog kayo ng tupa o baka bilang pagdiriwang ng Pista ng Paglampas ng Anghel. Ihandog ninyo ito para sa Panginoon na inyong Dios doon sa lugar na pinili niya, kung saan pararangalan siya.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Mag-aalay kayo ng tupa o baka bilanghandog na pampaskwa sa lugar na pipiliin niya.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Mag-aalay kayo ng tupa o baka bilanghandog na pampaskwa sa lugar na pipiliin niya.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Mag-aalay kayo ng tupa o baka bilang handog na pampaskwa sa lugar na pipiliin niya.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At iyong ihahain ang paskua sa Panginoon mong Dios, ang sa kawan at sa bakahan, sa dakong pipiliin ng Panginoon na patatahanan sa kaniyang pangalan.