Deuteronomy 19:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
gaya ng isang tao na nagtungo sa gubat na kasama ang kanyang kapwa upang pumutol ng kahoy at itinaas ng kanyang kamay ang palakol upang putulin ang punungkahoy, dumulas ang patalim sa hawakan at tumama sa kanyang kapwa kaya't siya ay namatay, siya ay tatakas sa isa sa mga lunsod na iyon at siya'y mabubuhay.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Kung ang isang tao ay pumunta sa kakahuyan para mangahoy kasama ang kanyang kapitbahay, at habang pumuputol siya ng kahoy ay biglang natanggal ang ulo ng palakol niya at natamaan ang kapitbahay niya, at namatay ito, pwede siyang makatakas papunta sa isa sa mga lungsod na tanggulan at walang makakapanakit sa kanya doon.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy, at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy, ay humagpos ang patalim sa tatangnan, at bumagsak sa kaniyang kapuwa, na anopat mamatay; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siyay mabubuhay:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Halimbawa: sinumang nagpuputol ng kahoy sa gubat, tumilapon ang talim ng kanyang palakol, at tinamaan ang kasama niya. Kung namatay ang tinamaan, ang nakapatay ay maaaring magtago at manirahan sa isa sa mga lunsod na ito.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Halimbawa: sinumang nagpuputol ng kahoy sa gubat, tumilapon ang talim ng kanyang palakol, at tinamaan ang kasama niya. Kung namatay ang tinamaan, ang nakapatay ay maaaring magtago at manirahan sa isa sa mga lunsod na ito.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Halimbawa: sinumang nagpuputol ng kahoy sa gubat, tumilapon ang talim ng kanyang palakol, at tinamaan ang kasama niya. Kung namatay ang tinamaan, ang nakapatay ay maaaring magtago at manirahan sa isa sa mga lunsod na ito.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Gaya ng isang tao na yumaon sa gubat na kasama ang kaniyang kapuwa upang pumutol ng kahoy, at sa kamay niya na pumapalakol upang pumutol ng kahoy, ay humagpos ang patalim sa tatangnan, at bumagsak sa kaniyang kapuwa, na anopa't mamatay; ay tatakas siya sa isa sa mga bayang yaon at siya'y mabubuhay: