Deuteronomy 28:67 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa kinaumagahan ay iyong sasabihin, 'Sana'y gumabi na!' at sa kinagabihan ay iyong sasabihin, 'Sana'y mag-umaga na!' — dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa tanawing makikita ng iyong paningin.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dahil sa takot ninyo sa mga bagay na nakikita ninyo sa paligid, sasabihin ninyo kapag umaga, ‘Sana, gabi na.’ At kapag gabi naman, sasabihin ninyong, ‘Sana, umaga na.’
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa kinaumagahay iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabihay iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil sa malaking takot na likha ng inyong nakikita, kung araw ay sasabihin ninyong sana'y gumabi na, at kung gabi naman sana'y mag-umaga na.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil sa malaking takot na likha ng inyong nakikita, kung araw ay sasabihin ninyong sana'y gumabi na, at kung gabi naman sana'y mag-umaga na.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil sa malaking takot na likha ng inyong nakikita, kung araw ay sasabihin ninyong sana'y gumabi na, at kung gabi naman sana'y mag-umaga na.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa kinaumagaha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay gumabi na! at sa kinagabiha'y iyong sasabihin, Kahi manawari ay umumaga na! dahil sa takot ng iyong puso na iyong ikatatakot, at dahil sa paningin ng iyong mga mata na iyong ikakikita.
Recommended Reading