Deuteronomy 32:15 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Ngunit tumaba si Jeshurun at nanipa; ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis. Nang magkagayo'y tinalikuran niya ang Diyos na lumalang sa kanya, at hinamak ang Bato ng kanyang kaligtasan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Naging maunlad ang mga Israelita pero nagrebelde sila. Tumaba sila at lumakas, ngunit tinalikuran nila ang Dios na lumikha sa kanila, at sinuway nila ang kanilang Bato na kanlungan na kanilang Tagapagligtas.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ngunit tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayoy kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog; ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran, at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog; ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran, at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog; ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran, at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Nguni't tumaba si Jeshurun, at tumutol: Ikaw ay tumataba, ikaw ay lumalapad, ikaw ay naging makinis: Nang magkagayo'y kaniyang pinabayaan ang Dios na lumalang sa kaniya, At niwalang kabuluhan ang Bato na kaniyang kaligtasan.