Deuteronomy 32:5 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kanyang mga anak, dahilan sa kanilang kapintasan; isang lahing liko at tampalasan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Ngunit nagkasala kayo sa kanya at hindi na kayo itinuring na mga anak niya, dahil sa inyong kasamaan. Makasalanan kayo at madayang henerasyon!
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Silay nagpakasama, silay hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil, di na karapat-dapat na mga anak ang turing, dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil, di na karapat-dapat na mga anak ang turing, dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil, di na karapat-dapat na mga anak ang turing, dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sila'y nagpakasama, sila'y hindi kaniyang mga anak, itong kanilang kapintasan; Mga tampalasan at likong lahi.