Deuteronomy 33:21 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Kanyang pinili ang: pinakamabuti sa lupain para sa kanya, sapagkat doon nakatago ang bahagi ng isang pinuno, at siya'y dumating sa mga pinuno ng bayan, kanyang isinagawa ang katuwiran ng PANGINOON, at ang kanyang mga batas sa Israel."
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Pinili niya ang pinakamagandang lupain na nababagay sa mga pinuno. Kapag nagtitipon ang mga tagapamahala ng mga mamamayan ng Israel, sinusunod nila ang mga ipinatutupad ng Panginoon at ang kanyang mga tuntunin para sa Israel.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya, Sapagkat doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan; At siyay pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan, Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon, At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pinili nila ang pinakamainam na lupain, lupaing nababagay sa isang pangunahin. Sumama siya sa mga pinuno ng Israel upang mga utos ni Yahweh ay kanilang tuparin.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pinili nila ang pinakamainam na lupain, lupaing nababagay sa isang pangunahin. Sumama siya sa mga pinuno ng Israel upang mga utos ni Yahweh ay kanilang tuparin.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pinili nila ang pinakamainam na lupain, lupaing nababagay sa isang pangunahin. Sumama siya sa mga pinuno ng Israel upang mga utos ni Yahweh ay kanilang tuparin.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At kaniyang inagap ang unang bahagi para sa kaniya, Sapagka't doon natago ang bahagi ng gumagawa ng kautusan; At siya'y pumaroong kasama ng mga pangulo ng bayan, Kaniyang isinagawa ang katuwiran ng Panginoon, At ang kaniyang mga kahatulan sa Israel.