Deuteronomy 7:19 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
ang napakaraming pagsubok na nakita ng iyong mga mata, ang mga tanda, mga kababalaghan, ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig na sa pamamagitan nito ay inilabas ka ng PANGINOON mong Diyos, gayundin ang gagawin ng PANGINOON mong Diyos sa lahat ng mga bayang iyong kinatatakutan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nakita ninyo ang mga pagsubok, mga himala at kamangha-manghang bagay, at ang dakilang kapangyarihang ipinakita ng Panginoon na inyong Dios nang ilabas niya kayo. Katulad din nito ang gagawin ng Panginoon na inyong Dios sa lahat ng taong kinatatakutan ninyo.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mga dakilang tukso na nakita ng iyong mga mata, at ang mga tanda, at ang mga kababalaghan, at ang makapangyarihang kamay, at ang unat na bisig, na ipinaglabas sa iyo ng Panginoon mong Dios: ay gayon ang gagawin ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bayan na iyong kinatatakutan.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
ang malalagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinakita niya nang ilabas niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
ang malalagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinakita niya nang ilabas niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
ang malalagim na salot na kanyang ipinadala, at ang mga kababalaghang ipinakita niya nang ilabas niya kayo roon. Ganoon din ang gagawin niya sa mga taong iyan na kinatatakutan ninyo.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)