Ecclesiastes 10:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa mga salita, ang hangal ay nagpaparami, bagaman walang taong nakakaalam kung ano ang mangyayari; at pagkamatay niya ay sinong makapagsasabi sa kanya ng mangyayari?
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At wala siyang tigil sa kasasalita. Walang nakakaalam tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap, kaya walang makapagsasabi kung ano ang mangyayari kapag tayoʼy patay na.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon may hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na?
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na?
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na?
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Ang mangmang din naman ay nagpaparami ng mga salita: gayon ma'y hindi nalalaman ng tao kung ano ang mangyayari; at ang mangyayari pagkamatay niya, sinong makapagsasaysay sa kaniya?