Ecclesiastes 12:3 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sa araw na ang mga tagapag-ingat ng bahay ay manginig, at ang malalakas na lalaki ay mapayukod, at ang mga manggigiling ay tumigil sapagkat sila'y kakaunti, at ang mga dumudungaw sa mga bintana ay madidiliman,
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Darating ang araw na manginginig ang iyong mga bisig at manghihina ang iyong mga tuhod. Hindi ka na makakanguyang mabuti dahil iilan na lang ang iyong ngipin. At lalabo na ang iyong paningin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagkat silay kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawalan ng lakas ang iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawalan ng lakas ang iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawalan ng lakas ang iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sa kaarawan na ang mga tagapagingat ng bahay ay manganginginig, at ang mga malakas na lalake ay mapapayukod, at ang mga manggigiling ay mangaglilikat sapagka't sila'y kaunti, at yaong nagsisidungaw sa mga dungawan ay mangasisilaw,