Ecclesiastes 12:5 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
sila man ay matatakot sa mataas, at ang mga kakilakilabot ay nasa daan; at ang puno ng almendro ay mamulaklak; at ang balang ay maging pasan, at ang pagnanais ay mabigo, sapagkat ang tao ay nagtutungo sa kanyang walang hanggang tahanan, at ang mga nagluluksa ay gumagala sa mga lansangan;
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Matatakot ka ng umakyat sa matataas na lugar o lumakad sa lansangan ng nag-iisa. Puputi na ang iyong buhok, hindi ka na halos makakalakad at mawawala na ang lahat ng iyong pagnanasa. Sa bandang huli, pupunta ka sa iyong tahanang walang hanggan at marami ang magluluksa para sa iyo sa mga lansangan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Oo, silay mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagkat ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Alalahanin mo siya bago dumating ang panahong katatakutan mong umakyat sa mataas na lugar, bago dumating ang panahong di ka na makalakad na mag-isa, bago pumuti ang iyong buhok, at lipasan ng pagnanasang sumiping sa minamahal. Darating ang araw na tayo'y pupunta sa huli nating hantungan at marami ang tatangis sa lansangan.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Alalahanin mo siya bago dumating ang panahong katatakutan mong umakyat sa mataas na lugar, bago dumating ang panahong di ka na makalakad na mag-isa, bago pumuti ang iyong buhok, at lipasan ng pagnanasang sumiping sa minamahal. Darating ang araw na tayo'y pupunta sa huli nating hantungan at marami ang tatangis sa lansangan.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Alalahanin mo siya bago dumating ang panahong katatakutan mong umakyat sa mataas na lugar, bago dumating ang panahong di ka na makalakad na mag-isa, bago pumuti ang iyong buhok, at lipasan ng pagnanasang sumiping sa minamahal. Darating ang araw na tayo'y pupunta sa huli nating hantungan at marami ang tatangis sa lansangan.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Oo, sila'y mangatatakot sa mataas, at ang mga kakilabutan ay mapapasa daan; at ang puno ng almendro ay mamumulaklak; at ang balang ay magiging pasan, at ang pita ay manglulupaypay: sapagka't ang tao ay pumapanaw sa kaniyang malaong tahanan, at ang mga tagapanangis ay nagsisigala sa mga lansangan: