Ecclesiastes 2:16 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat kung paano sa pantas ay gayundin sa hangal, walang alaala magpakailanman; na sa mga araw na darating ay malilimutan nang lahat. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Lahat tayo, marunong man o mangmang ay pare-parehong mamamatay at makakalimutan.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Pagkat kung paanong ang mangmang ay nalilimutan pagdating ng araw, gayon din ang lahat ay mamamatay, maging ang marunong man, o ang mangmang.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Pagkat kung paanong ang mangmang ay nalilimutan pagdating ng araw, gayon din ang lahat ay mamamatay, maging ang marunong man, o ang mangmang.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Pagkat kung paanong ang mangmang ay nalilimutan pagdating ng araw, gayon din ang lahat ay mamamatay, maging ang marunong man, o ang mangmang.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't kung paano sa pantas ay gayon din sa mangmang, walang alaala magpakailan man; dangang sa mga araw na darating ay malilimutang lahat na. At kung paanong ang pantas ay namamatay ay gayon ang mangmang!