Ecclesiastes 7:29 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
Tingnan ninyo, ito lamang ang aking natagpuan, na ginawang matuwid ng Diyos ang tao; ngunit nagbalak sila ng maraming pamamaraan.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Higit sa lahat, ito ang nalaman ko: Ginawa ng Dios ang tao na matuwid, pero nag-iisip ang tao ng maraming paraan para maging masama.”
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; ngunit nagsihanap sila ng maraming katha.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa kabutihan, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay.”
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni't nagsihanap sila ng maraming katha.