Ephesians 2:14 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Sapagkat siya ang ating kapayapaan, na kanyang pinag-isa ang dalawa, at sa pamamagitan ng kanyang laman ay giniba ang gitnang pader ng alitang humahati.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At sa pamamagitan ng kamatayan niya, pinagkasundo niya tayo. Pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga hindi Judio sa pamamagitan ng paggiba sa pader na naghihiwalay sa atin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil ang mga Judio at ang mga Hentil ay kanyang pinag-isa. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, pinawi niya ang alitan na parang pader na naghihiwalay sa atin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Sapagkat si Cristo mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan dahil pinag-isa niya ang mga Judio at ang mga Hentil. Sa pamamagitan ng kanyang katawan, giniba niya ang pader ng alitan na naghihiwalay sa atin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't siya ang ating kapayapaan, na kaniyang pinagisa ang dalawa, at iginiba ang pader na nasa gitna na nagpapahiwalay,