Ephesians 4:30 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Diyos, na sa pamamagitan niya kayo'y tinatakan para sa araw ng pagtubos.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Dios. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang siyang tanda na kayoʼy sa Dios, at siya ang katiyakan ng kaligtasan nʼyo pagdating ng araw.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayoy tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
At huwag ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.