Exodus 12:35 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Ginawa ng mga anak ni Israel ang ayon sa sinabi sa kanila ni Moises; sila'y humingi sa mga Ehipcio ng mga alahas na pilak, mga alahas na ginto, at mga damit.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Sinunod ng mga Israelita ang sinabi sa kanila ni Moises na humingi sa mga Egipcio ng mga alahas na pilak at ginto, at mga damit.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises; at silay humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit:
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Noo'y nahingi na nila sa mga Egipcio ang mga alahas na pilak at ginto at mga damit, tulad ng iniutos sa kanila ni Moises.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Noo'y nahingi na nila sa mga Egipcio ang mga alahas na pilak at ginto at mga damit, tulad ng iniutos sa kanila ni Moises.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Noo'y nahingi na nila sa mga Egipcio ang mga alahas na pilak at ginto at mga damit, tulad ng iniutos sa kanila ni Moises.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At ginawa ng mga anak ni Israel ayon sa salita ni Moises; at sila'y humingi sa mga Egipcio ng mga hiyas na pilak, at mga hiyas na ginto, at mga damit: