Exodus 14:31 — Compare Translations
7 translations compared side by side
Tagalog (Ang Biblia 2001)
Nakita ng Israel ang dakilang gawa na ginawa ng PANGINOON sa mga Ehipcio, at ang taong-bayan ay natakot sa PANGINOON at sila'y sumampalataya sa PANGINOON at sa kanyang lingkod na si Moises.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Nakita ng mga Israelita ang dakilang kapangyarihan ng Panginoon na ginamit niya laban sa mga Egipcio. At dahil dito, iginalang nila ang Panginoon at siyaʼy pinagtiwalaan nila at ang lingkod niyang si Moises.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at silay sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Dahil sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa lingkod niyang si Moises.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Dahil sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa lingkod niyang si Moises.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Dahil sa kapangyarihang ipinakita ni Yahweh laban sa mga Egipcio, nagkaroon sila ng takot sa kanya at sumampalataya sila sa kanya at sa lingkod niyang si Moises.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
At nakita ng Israel ang dakilang gawa, na ginawa ng Panginoon sa mga Egipcio, at ang bayan ay natakot sa Panginoon: at sila'y sumampalataya sa Panginoon at sa kaniyang lingkod na kay Moises.