Exodus 20:11 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng PANGINOON ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan ng PANGINOON ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
Dahil sa loob ng anim na araw, nilikha ko ang langit, ang lupa, ang dagat at ang lahat ng naririto, pero nagpahinga ako sa ikapitong araw. Kaya pinagpala ko ang Araw ng Pamamahinga at ginawa itong natatanging araw para sa akin.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pat pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
Anim na araw kong nilikha ang langit, ang lupa, ang mga dagat at ang lahat ng nasa mga ito. Ngunit namahinga ako sa ikapitong araw. Kaya't ito'y aking pinagpala at inilaan para sa akin.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng nangaroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; na ano pa't pinagpala ng Panginoon ang araw ng sabbath, at pinakabanal.