Exodus 22:9 — Compare Translations

7 translations compared side by side

Tagalog (Ang Biblia 2001)
"Sapagkat sa lahat ng pagsuway, maging para sa baka, sa asno, sa tupa, sa kasuotan, o sa anumang bagay na nawala, na may magsabi na iyon nga ay sa kanya, dadalhin sa harapan ng Diyos ang usapin ng dalawa; ang parurusahan ng Diyos ay magbabayad ng doble sa kanyang kapwa.
Tagalog (Ang Salita ng Dios)
“Kung may dalawang taong nagtatalo tungkol sa kung sino sa kanila ang may-ari ng isang pag-aari kagaya ng baka, asno, tupa, damit o kahit anong bagay, dapat nilang dalhin ang kaso nila sa presensya ng Dios. Ang taong nagkasala ayon sa desisyon ng Dios ay magbabayad ng doble sa totoong may-ari.
Tagalog (TLAB) 1905 (Ang Biblia (1905/1982))
Sapagkat lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.
Tagalog 2005 (Magandang Balita Biblia (2005))
“Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos. Ang mapatunayang nang-aangkin lamang ay magbabayad nang doble sa tunay na may-ari.
Tagalog 2005 Revised (Magandang Balita Bible (Revised))
“Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos. Ang mapatunayang nang-aangkin lamang ay magbabayad nang doble sa tunay na may-ari.
Tagalog 2012 (Magandang Balita Biblia)
“Anumang usapin tungkol sa pang-aangkin ng nawawalang asno, baka, tupa, damit o anumang bagay, ay dadalhin sa harapan ng Diyos. Ang mapatunayang nang-aangkin lamang ay magbabayad nang doble sa tunay na may-ari.
Tagalog TLBA (Ang Biblia)
Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.